Nora Aunor to Return to the Philippines



Our favorite actress is going back to the Philippines according to a Journal report. Good for her. We hope she will have projects when she’s back. Come on producers, give Nora some projects para di masayang talent niya.

*****
Journal: MAY isang informant na nagsabi sa amin, mukha nga raw malapit na ring magbalik sa Pilipinas si Nora Aunor. May mga bagay lang daw na inaayos pa sa US ang su-perstar kaya hindi pa siya nauuwi sa Pilipinas.

Nilalakad daw ni Guy ang isang immigrant’s visa sa US at iyon ang kanyang magi-ging katiyakan na makapupunta siya roon kahit na anong oras.

Ayaw kumpirmahin ng aming source kung totoo nga ang mga balitang nakabili na ng bahay si Nora at iba pang peroperties sa US.

Kasi naman habang na-roroon siya at hindi siya ma-kauwi sa Pilipinas dahil sa na-ging kaso niya, panay naman ang kanyang kayod.

Marami siyang naga-wang shows, natural kumita rin naman siya ng malaki ro-on at may kakayahang bumi-li ng properties.

Natural, sisiguruhin din naman niyang mababalikan niya ang lahat ng iyon sa US dahil kung hindi sayang naman.

Iyang ginagawa niya ay pagtiyak lang na makakba-balik pa siya sa U.S.dahil kung hindi niya aayusin ‘yun, baka mahirapan siyang makaba-lik sa Amerika.

Hindi naman kasi alam ng lahat ng tao kung papaano natapos ang kanyang kaso roon, at alam naman ng lahat halos na nagkaroon nga siya ng isang drug related case. Maaaring gamitin iyon ng ibang consul para hindi siya bigyan ng visa kung sa-kali.

Palagay namin, kung nasasabik ang kanyang fans na muling makita si Nora, mas nasasabik din naman siyang makabalik sa Pilipinas, lalo na nga’t matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama ang kanyang mga anak. Kaya nga tama naman si-guro na kung maaayos na ni-ya ang lahat ng mga bagay na maiiwanniya sa US, saka na siya uuwi sa atin.

Tutal doon, sigurado ang trabaho niya dahil kahit na tatlong taon na siya roon, parang sabik pa rin ang mga Pinoy sa kanya.

Eh,dito sa atin, sa hirap ng buhay ngayon, hindi rin siya nakasisiguro sa magiging takbo ng career niya rito.

Related posts:

  1. Is Lovi Poe Pregnant? Nope — Manager
  2. Gabby Concepcion Comes Home, Asks Sharon’s Forgiveness
  3. Stupid ABS-CBN Writer Casts Doubt on Ejay Falcon’s PBB Teens + Win
  4. Nikki Gil Has New Disney Project
  5. Sexbomb Jopay Paguia: Not Pregnant?




0 comments ↓

There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment


Web Analytics